Maybe In Another Life - Issue 2

Nagising ako sa tunog ng telopono ko.

Pareho parin.

Parang deja vu yung nangyayari sakin.

Same boring days.

Pumasok akong muli sa eskwela na parang robot na naka auto pilot. 

Parehong gate.

Parehong guard na kung makakalikot ng bag, wagas.

Parehong estudyanteng parang nasa palengke sa ingay.

Ilang hakbang palang nakita ko na sila. 

Nakaupo sa bench sa tapat ng building. 

Parang waiting shed namin to bago pumasok sa mga klase ng prof namin. 

Tumayo ako sa harap ni Liz kasi sya palang naman yung naandon.

Tamad na tao yan pero never kong nakitang nalate. 

"Hi Liz!"

"Helloo"

Umupo ako sa tabi niya, at sinamahan siyang maging mapagisa.

Ganto kami madalas.

"Cr, lang me ha. Iwan ko lang tong bag ko"

"Go lang mima"

Naglakad narin ako papuntang cr.

"Hi"

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang isang babae.

"Kung may time ka po pwede ka po bang sumagot ng survey? Mabilis lang po to"

Hindi pa ko nakaka oo pero binigay nya sakin ang dalawang pahina ng bondpaper at ballpen.

Sinagutan ko nalang to.

Tungkol sa best learning method yung mga tanong.

Educ siguro siya.

"Okay na po"

"Thank you poo"

Tumango nalang ako sakanya at bumalik na papunta kay Liz.

Pakshet umurong yung ihi ko, baka naman magkasakit ako nento sa bato.

"Tagal mo ha"

"Di ngako nakaihi, pano ba naman hinarang ako para magsagot ng form"

Natawa nalang kami.

Dumating narin si Mary at Rin. 

Bale apat kami sa circle nato.

Pero may mga tropa rin kasi akong lalaki, well halos lahat naman sa room kaibigan ko.

Nagdating narin yung iba pa naming kaklase, at nagsimula na ang klase sa 403.

"Pre" Ani ni Mary habang nakatingin sa harap

Tumingin ako sa tinitingnan niya. 

Isang drawing ng ari ng lalaki na nakalapat sa gilid ng board. Hindi mo agad mapapansin pero pag tinitigan mo yung gawi nayon, makikita mo talaga ito.

Pag balik ko ng tingin ko sakanya, parehas na kaming nagpipigil ng tawa.

Natapos ang klase ni sir na nagtatawanan parin kaming dalawa.

"Lahat talaga napapansin mo no?" Sabi ko sakanya.

Tinuro niya rin kila Rin at Liza yung pinagtatawanan namin, di gaya namin hindi sila degraded yung utak.

Nakita ko ulit yung educ student na nagpapasagot parin ng survey nila.

Gusto kaya niya yung ginagawa niya? o napipilitan lang siya dahil kaylangan niyang gawin yon para pumasa?

Bat kaya ganon yung education system no?

Required tayong gawin yung mga bagay na hindi natin gusto at isinasantabi natin yung mga bagay na gusto nating matutunan.

Bakit sobrang hirap magaral? 

"Oy pre, nakatulala ka na naman"

Nagising ang natutulog kong diwa sa tapik ni Mary.

Eto kaming apat, nasa gilid ng court ng school. 

Inaabangan ang susunod na klase.

Ganto talaga, magkakalayo yung sched ng klase.

Pagalingan humanap ng tambayan.

Pahabaan ng pasensya mag antay.

"ala una pa tayo no?"

"yes"

Habang nakatitig ako sa kabilang court, nakita ko siya ulit.

I can't help but to wonder.

Why we need to keep working hard to pursue what we want?

Bakit laging mahirap yung daan na tatahakin para sa gusto mong hinaharap?

Tumingin sakin yung babae.

Saglit kaming nagkatinginan at ngumiti ito sakin.

Nakita ko yung pagod sa ngiti niya kahit medyo malayo siya sakin.

"Pre"

"Oh"

"Kanina kapa nakatulala? okay kalang ba?"

"Okay lang ako, dont mind me"

"Ge sabi mo e, arat na may klase pa"

Napabuntong-hininga ako.

At habang naglalakad kami, hindi ko talaga makalimutan yung ngiti niya.

“Ang random naman non”

Mahina kong bulong.

At pilit ko na lang iyong kinalimutan.


Comments

Popular posts from this blog

Maybe In Another Life - Issue 0

Maybe In Another Life - Issue 1