Maybe In Another Life - Issue 1
Bumungad sakin ang liwanag ng langit. Mahapdi sa mata, tanging init ang nadarama.
Ang hirap umahon sa kama, ngunit kaylangan.
Pagtapos maligo at solusyunan ang kumakalam na tyan, ay dumiretso na ko sa sintang pamantasan.
Sintang pamantasan? haha kinamumuhian ko nga to.
Hindi nagtuturo yung mga guro, kung magturo man sobrang layo sa dapat pagaralan.
Yung iba aalis ng walang pasabi, malalaman mo nalang padating palang sila galing ibang bansa.
Yung iba naman sumisweldo ng nagkukwento lang ng buhay nila.
Wala ngang binabayarang tuition, masisiraan ka naman ng bait sa sistemang nananahan dito.
Nagsimula narin ang unang klase, mga kaklase kong tulog, yung iba lutang, yung iba nagcecellphone.
Hindi mo rin naman sila masisisi, wala rin kasi talagang kwenta. Hindi naman siguro pagdedemand kung sana lang ay maayos ang pagtuturo nila diba?
Magsisimula at matatapos ang araw ko kakaisip ng kung kelan ba matatapos to.
"Liz! may quiz daw sakanya?"
"Oo"
"We? kelan sinabi?"
"Last tuesday, diba nag ququiz naman sya pagtapos ng every lesson"
"Gagi di ako nakapag review"
Pabiro syang humampas "Ikaw pa, kaya mo yann!"
Dali dali kong binuksan yung lesson nya, tamang kinabisa ang mga main points.
Yung iba nagulat at hindi rin nakapaghanda sa quiz.
Grabeng buhay to.
"Class, prepare one half yellow paper"
"Penge" Sabay ngiti kay Liza
Sanay na rin silang nahingi ako, minsan nga pati ballpen hinihiram pa.
"Number 1 ..."
Yes dictation yung quiz niya palagi, pero we survive every quiz.
Survival of the fittest ang nangyayari samin dito, hindi sapat ang talino ng utak, kaylangan mo ring dumiskarte.
Natapos din yung araw na ito.
Lumakad kami palayo ng hindi nililingon ang tarangkahan, tamang kwentuhan lang hanggang ang mga landas namin ay magkahiwa-hiwalay na.
"Ingat Liz!"
"Babyeee, ingatt"
"Pre dito narin ako" Ani ko kay Mary
"Oo pre, ingat"
Sumakay narin ako pa SM, buti nalang at hindi siksikan ang jeep.
Nakasalpak saking tenga ang musika, para hindi maburyo sa byahe.
Pagkababa ko ay lumakad narin ako pauwi, may kalayuan ang SM sa bahay namin. Pero gusto ko rin kasing magisip isip habang binabagtas ang daanang ilang beses ko ng dinaanan.
I love walking, nakikinig sa music, binibingi ang sarili sa ingay ng mundo.
Pagkauwi ko sa bahay ay inihagis ko ang sarili ko sa kama, pagod ang katawan, at hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.
Comments
Post a Comment